Our water meter was stolen yesterday early morning. Oh diba, pati water meter pinatos. Sabi ng husband ko ghetto na daw yung community nila. Dati side mirrors lang ang kinukuha, now pati metro...naman. Now, nagmamadali na lumipat ang asawa ko ng house.
Anyway, sabi ko naman water meter lang yan at least di kotse ang ninakaw. Pero hassle pa rin kasi we are taking a bath sa ground floor CR dahil nakiki-igib lang kami sa house ng tito ni Arch.
So our yaya went to the Barangay Hall to file a Barangay Report, which is needed to get a new meter from Manila Water. Naka 3 beses na nakapunta yung yaya ko sa hall, wala daw pwedeng pumirma. Alam niyo kung ano sabi? Tulog daw si Barangay Captain kasi fiesta last Sunday. Sana daw maintindihan namin. Oh diba ang bongga!!!! San ka naman nakakita ng ganong sagot? Buti pa ang chicharon may laman, yung ulo ata ng kausap ng yaya ko e hangin lang!
Binalikan ng yaya ko yung Barangay Hall ng mga 6pm. Yung kausap daw nya sabi, sya na lang daw pipirma. Hay, pinagod lang nya yung tao.
Nakakapang init ng ulo!
No comments:
Post a Comment