Day 6 / Conclusion:
We just walked along the beach. Konting swimming (kasi ang lamig pa rin), then we started the travel home.
We had a 5 hour layover in Singapore Airport. We thought we can just relax sa Changi, kasi super laki and ganda ng Changi diba? More or less complete sya. However, sa AirAsia pala, you really have to get your luggages and pass through immigrations og Singapore. From Bali, our boarding pass is until Singapore lang. We have to check-in ulit (sa AirPhil) pagdating ng Singapore, to think di kami budget terminal ha. Since di pa open ang counter ng AirPhil, we have to wait outside the departure area. Buti na lang, maganda din yung area na yun.
When we have checked-in, we still have 2 hours before our flight. So we went to Terminal 3 to kill time and to go to Charles & Keith. Wala rin akong nabili. Haha! Mahal din and yung mga styles meron na rin dito nun. Super okay talaga ang Changi kasi napaka convenient to transfer between 2 terminals. Nagenjoy si Antonio sa train. Haha!
Tuwang tuwa ang asawa ko to see the A380 |
Eventually, na bore na si Antonio |
Learnings/Realizations/Conclusion/Tips:
1. This was the first out of the country namin na kasama si Antonio. So sobrang pagod talaga. Sabi ko kay Arch, if ever we will go to Hongkong or Singapore, di pwdeng kaming 3 lang. Dapat kasama family ko or family nya. (Parang di ko naman kaya magsama ng yaya. Kasi parang ang yaman namin ano? Haha! Though maraming magsasabi na kaya nga vacation, so the parents can relax relax din. Pero parang kaya nga family vacation para magbond!) Pagod na pagod kami e..to the point mainit na ulo ko haha! Pero kahit naman pagod kami, happy kami sobra.
2. Antonio is not a picky eater. Pero parang nanibago talaga sya, naku di nagkakakain. Tapos nagkasakit pa. Kahit french fries, di sya masyadong nagkakakain. Ang kinakain nya e chocolate and chips. Bakasyon na bakasyon ang dating ng anak namin. Buti na lang he eats watermelon. Sana, I brought healthier chips (?) Haha!
3. Charge the battery of the camera every night kahit di pa ubos. Haha! yan ang bwisit ako dahil nauubusan kami ng battery. Buti na lang madami kaming kasama na may camera din. hehe!
4. Bali is a beautiful place. Maganda ang kalye, walang lubak ha! At ang mga bus stops, okay din. Yun lang ang daming motorcycles! Haha! Nakakatakot. One time we saw a mom driving the motorcycle, one hand sa handle and one hand sa baby nya. Siguro wala pang one year old yun!
5. Will I ever go back to Bali? Pag libre! Haha! Otherwise, I will just go to Hongkong or Singapore. Kasi I think Bali is not for kids e. Unless surfers kayo or divers. The beach di naman maganda. Ang pupuntahan niyo lang talaga dun is temples and bars. Yung Safari naman, there is one in Singapore. Beach naman, nothing beats our beaches e.
6. Balinese people are uber nice!
7. I have read that their tap water is not safe for drinking. Even locals do not drink tap water daw. So to be sure, yung pang tooth brush ni Antonio, bottled water.
8. We really enjoyed this vacation. Kasi once in a lifetime to e. And I am thankful that the wedding was held in Bali. E kasi kung wala namang kinasal sa Bali, di din kami pupunta dun diba?
8. Time to think of our next vacation! Woohoo!!!