Friday, July 29, 2011

not so common sense

this will be a rant post. sorry, pikon na pikon lang talaga ako!

there are renovations going on here. i specifically told arch na pag nagpintura na dapat wala kami ni Antonio, kasi kawawa ang bata. pumayag naman sya. what i did not expect was there will be grinding of cement last tuesday. tatabasin yung lalagyan ng sink kasi mas malaki na yung bagong sink na binili nila. Oh my, ang alikabok!!!!!!! nasa first floor yung ginagawa, imagine umabot yung alikabok sa 2nd floor??? Hay, sabi ko kay arch, kung may sakit lang ako sa puso, inatake na ako last Tuesday. galit na galit ako! inaway ko tuloy sya! e sabi nya di daw nya alam na that day gagawin yun. hay, e bahay nila to no. fine. di na ako nakipaglaban. ang isa pang kinaiinisan ko e yung manong dito (asawa ng manang namin) di man lang sinabi sa akin na maalikabok or wala silang ginawa. kasi kung ako nasa position nila, nung nagsimula yung grinding at nakita kong nagstart ng maging maalikabok, syempre papatigil ko yung carpentero...at sasabihan ko sa boss ko at tatakpan ko lahat ng dapat takpan. aba nakatiwang wang ang  mga plato, sofa, at mga condiments sa baba. ayos!

at di pa natapos yun. kanina, tatapusin na ung sink. syempre ako di ko naman bahay to so di ko alam ang gagawin. pag open ko ng faucet, walang lumabas na water. bumaba ako to ask if they closed the main pipe. Sagot sa akin nung manong, oo. Nagpintig na tenga ko. Umakyat na lang ako at nagtext kay arch para magsumbong. Grrrr! Hello, buti na lang pala e di ako nagnumber 2 or naliligo. Wala man lang nagsabi sa akin na papatayin na yung water.

galit na galit ako kasi sobrang pet peeve ko yung nangyaring dalawa e. madiriin kasi ako so konting alikabok, bwisit na bwisit ako. at yung maghuhugas ako at walang tubig. hay. maybe i am just expecting too much from people. hay.

No comments:

Post a Comment